Labels

Search Here

Custom Search
Showing posts with label Stories. Show all posts
Showing posts with label Stories. Show all posts

Ang kwento ng isang overstaying-runaway maid

Magandang araw po mga Kapuso.  

 

Isa akong Pinay domestic helper na unang nagpunta sa United Arab Emirates noong 2007. Hindi ko malilimutan ang unang araw na nakatutuntong ang mga paa ko sa Dubai.


Buong akala ko po ay maipagpapatuloy ko ang pagiging guro ko sa Pilipinas pero nagkamali ako. Kasi nang dumating ako dito sa Dubai, pagiging katulong ang binagsakan ko. Kahit mahirap sa loob ko ang ginawang pangloloko sa akin ng agency ko ay hinarap ko ito at ipinagpatuloy ko ang pamamasukan bilang katulong. 

 

Naranasan ko rin ang sinapit ng iba nating kabayan na tumakas sa kanilang amo dahil sa pangmomolestiya ng kanilang amo. Limang araw palang akong naninilbihan, naranasan ko agad ang panghihipo at paghalik ng amo kong lalaki. Pumapasok siya gabi-gabi sa kuwarto namin ng mga anak niya para lang makahipo sa akin.

Sa tuwing ginagawa ng amo ko yun, nagkukulong ako sa banyo hanggang sa marinig ko ang boses ng amo kong babae at saka lang ako lalabas. Kaya lagi ako napapagalitan ng amo kong babae kasi madalas akong nagkukulong sa banyo at halos wala na akong magawa.

Dumating ang araw na nanghina ang katawan ko, iyak ako ng iyak. Nahihirapan akong huminga at hindi ako makatayo. Itinakbo ako ng amo kong lalake sa hospital. Naging maayos naman lahat pero may nararamdaman pa rin akong pananakit, hindi na ako makakilos at makatayo ng normal.

Pero hindi doon nagtapos ang kalbaryo ko, isang gabi bigla akong nagising nang maramdaman kong may nakahawak sa dibdib ko, ang amo kong lalake. Sabi niya kung masakit pa ba ang dibdib ko at hindi pa rin daw ba ako makahinga. Hindi ako makapalag, malaking tao ang amo ko. Salamat lang sa Diyos at biglang may nagbukas ng main door dahil dumating na ang amo kong babae kaya tumigil siya.

 

Diyembre 2007 nang nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas. Binalot ko ang konti kong gamit sa garbage bag. Nagsuot ako ng pantalon at t-shirts na ipinatong ko sa uniporme kong pangkatulong. Ang sabi ko sa mga bata, magtatapon lang ako ng basura. Hindi ko maintindihan ang pakiramdan ko na parang ang saya-saya ko na may halong kaba.

Binalak kong magpunta sa agency ko nung araw na yun pero madami akong narinig na masamang kuwento tungkol sa agency kaya hindi ko na ginawa. At mula noon, hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa Dubai at nakikipagsapalaran. Namasukan akong part-time housemaid, babysitter, waitress, minsan sa office. Kahit saan kung saan maaari akong kumita sa mabuting paraan ay ginagawa ko.


Marami akong napatunayan sa sarili ko, natuto akong maging independent, at monthly ay nagpapadala ako sa magulang ko. Nagawa ko iyan kahit wala silang alam kung anuman ang mga naranasan ko dito. Kaya lang may time na nakakaramdam talaga ako ng sobrang lungkot, sobrang homesick. Madalas ay nagtataka na lang ang mga room-mates ko kung bakit ako umiiyak. Wala ni isa sa kanila na nakakaalam na isa akong overstaying- runaway maid.


Gustong-gusto ko na sanang umuwi ng Pilipinas. Pero minsan na tumawag ako sa embassy natin sa Dubai, laging busy ang phone. Sa Philippine consulate naman ay ipinasa akong tumawag sa OWWA. Nang tumawag din ako sa OWWA sa Abu Dhabi, ang sabi ang maktutulong daw sa akin ay immigration. Nang magtanung ako dun, may nakapagsabi sa akin kapag ilegal ka ay mabuting huwag mong tangkain na pumunta doon dahil huhulihin ka at ikukulong.


May nakapagsabi rin sa akin sa OWWA na ang tinutulungan lang daw ng ay iyong mga runaway maid na 3-days at hindi katulad kong 3-years. Pagod na ako sa aking sitwasyon at sana’y dumating din ang panahon na may makatulong sa akin para makabalik na ako sa ating bansa. Salamat po. -

 

Miss D

 

GMANews.TV

Isang kabanata sa buhay ng chikboy na OFW sa Saudi

ni Johnson

Nag-umpisa akong mag-abroad taong 1982 at nadestino sa Alkhobar bilang isang Sales Engineer. Dito medyo malungkot dahil puro trabaho, although madalas ay nasa dagat kami… either nagpi-fishing or mangunguha ng shells at alimasag.

After two years sa Alkhobar, nalipat ako sa Jeddah. Dito na naging parang normal or actually higit pa sa normal ang buhay ko. Maaaring mahirap paniwalaan at mga kasamahan ko lang ang pwedeng magpatotoo na napakaluwag sa Jeddah noon kaysa ngayon.

Noon, kahit saan ka magpunta na may kasama kang babae ay hindi ka sisitahin. In fact every Friday, ang mga bardaka ay nasa beach at naliligo kasama ang mga girlfriend nila. Nag-umpisang maging makulay ang buhay ko doon nang nakilala ko ang grupo na mga binata kuno ng Jeddah.


Meron kaming mga kabarkada na nagtatraho sa airport ng Jeddah at nang mga panahon na iton ay maraming Pinay na kinukuhang stewardess ng isang airlines sa Saudi. Ang sabi ng bakarda ko, “brod may ambagang para sa drinks at pagkain para sa get together."

Ang mga magiging bisita doon ay mga bagong recruit ng airlines. Ang sabi pa, mas marami sila (babae) kaysa sa amin kaya walang magiging agawan. Kapag dinikitan na ng isa ang nagustuhang babae, wala nang manggugulo.

Thursday night iyon at dumating ang mga girls sa bahay ng isa naming barkadang manager ng travel agency sa Jeddah. Sampu kaming lalaki, labing pito ang bagong recruit na dumating. Kagaya ng napagkasunduan, isa-isang ng nagdikitan ang grupo sa mga kursunada nila. Ako, dahil medyo bago sa samahan, manipis pa (o mahiyain).

Ang problema may dumikit sa akin na babae na may asawa na sa Pinas. Isa siya sa medyo binigyan ng pabor ng airlines kasi ang father niya ay kilala ng recruiter. Bantulot man ako ay okey na rin dahil maganda rin naman iyong babae. Nang gabing iyo ay lumabas kami at nagpunta sa mall habang ang mga kasama ko ay nasa party.

Nang bumalik kami ay may dala na siyang stuff toy na hiniling niya sa akin. Sabi ko, okey lang gumastos doon kasi hindi naman mahal. Lahat sa party eh namangha sa bilis ng mga pangyayari. Sabi ng mga barkada mabilis daw akong masyado. Pero sa loob ko, sabi ko, “ang mabilis e iyong babae."

Simula noon, ang mga barkada ang may gathering tuwing Thursday at nasa beach naman tuwing Friday. Nagbago lang ito at ang iba ay nawawala na sa gathering kapag nagkaroon ng karelasyon na iba.

Ako, hindi ko pa rin girlfriend si babae dahil alam kong may asawa siya. Ayaw kong patulan pero magkasama kami sa lakaran. Alam ito ng mga barkada at may isang nagbangit na madalas daw akong tanungin ng isang stewardess na dalaga. Bakit hindi ko raw subukang ligawan.

Noong natapos ang training nila, binigyan sila ng one week rest sa Pinas. Pero bago sila umalis, naimbita kami sa isang birthday party. Sa party, kasama ko itong babaeng may asawa at nandoon din ‘yong babaeng dalaga na sinasabing curious tungkol sa akin. Ang pagkakaalam kasi nila (galing sa mga kasama ko) e binata ako.

Napansin nitong may asawa na ibinabaling ko ang atensiyon ko which was being reciprocated naman ng girl. So nang natapos ang party, on the way na sa compound ng airlines, sabi nitong girl na may asawa na hindi na daw siya babalik kung hindi rin lang kami magiging mag-boyfriend. Ako naman si gago, pumayag na maging kami.

Nang magbalik na sila galing sa Pinas, nandoon siyempre sa airport ang barkada para sumalubong. May dala pa akong rosas na tinanggihan namang kunin nitong babae na may-asawa. Na-guilty yata nang nakauwi ng Pinas at nakasama ang mister.

Sabi ko good riddance. Pwede ko ngayong habulin iyong dalaga pero may boyfriend sa Pinas. Naging girlfriend ko siya kahit bago pa niya ako sagutin ay sinabi ko na may asawa na ako. Sa panahon na may relasyon kami, lalo akong humanga sa kanya.

Tuwing lumilipad siya papuntang Pinas, binibilhan niya ng pasalubong ang family ko at binibigay niya ito sa kapatid ko. Sinasabi niya na ako ang nagpadala. Wala raw siyang balak sirain ang pamilya ko. Bago matapos ang isang taon, ginawa silang Manila base at dumalang na ang pagkikita namin. Kalimitan hangang Riyadh lang sila galing at pabalik ng Pinas. Minsan na lang sila napupunta ng Jeddah.

Sumunod na ay dumating ang mga bagong recruit ng airlines at nagkaroon ako ng pangalawa. Itong isang ito, napakabilis. May anak siya sa pagkadalaga. Alam niya na may kasamahan siya sa airlines na girlfriend ko. Pero iyong isa, walang alam tungkol sa kanya.

Minsan tinanong ako nung babaeng dalaga kung kilala ko raw itong si babaeng may anak sa pagkadalaga dahil iniirapan daw siya kapag nagkakasalubong sila. Hindi naman daw niya makompronta kasi head stewardess ng ate nitong pangalawa. Ang sagot ko, hindi.


Nang magbakasyon ako, isinabay ng pangalawa kong girlfriend ang bakasyon niya. Nasa economy ako at siya naman sa business class. Pero hindi nagtagal ay lumipat siya sa tabi ng upuan ko. Ang problema, may kaibigan na flight attendant ang unang girlfriend ko sa flight na iyon – huli ako.

Nang nasa airport na kami, habang tinutulungan ko si pangalawa sa kanyang mga gamit, laking gulat ko nang sinalubong ako ni unang girlfirend. Hindi lang iyon ang eksena… nasa labas naman ang misis ko.

Wala akong nagawa kundi iwan si second girlfriend at hinabol si una para magpaliwanag. Pero ayaw na niyang makinig. Lumabas na ako ng airport para makita naman ang asawa ko. Pagbalik ko sa Saudi, ayaw na akong kausapin ng babaeng may anak sa pagkadalaga at naghanap na siya ng kapalit ko. Pero si first girlfriend ay mabait at tinanggap ang paliwanag ko.


Nagdaan ang panahon, sinabihan ako ni una na magpapakasal na sila ng boyfriend niya. Niyaya na raw siya at hindi na siya puwedeng tumangi. Pinayuhan niya ako na tumigil na sa kalokohan ko at atupagin na lang ang pamilya ko. Para daw maalala niya ako, isang araw lang ang pagitan ng kasal niya sa anniversary ng kasal ko.


Pakiusap lang niya, huwag akong magpapakita sa kasal niya at baka maiyak siya at magmukhang kawawa ang asawa niya. Dumalo pa rin ako pero tinanaw ko lang ang kasal ng babaeng naging bahagi ng isang kabanata ng buhay ko bilang OFW sa Saudi.

***
Dumalo ako at tinanaw ko ang kasal ng babaeng naging bahagi ng isang kabanata ng buhay ko Saudi. Simula noon hindi na kami nagkita, tinupad namin ang usapan na hindi namin bibigyan ng dahilan na masira ang aming mga pamilya. Balita ko, siya kasama ang asawa niya ay nagmigrate sa isang bansa at maganda na ang buhay nila ngayon.

Ako, tinupad ko ang pangako na hindi na maglalaro. Nagpapasalamat na sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ito nabalitaan ng misis ko na pagmumulan ng pagkasira ng relasyon naming mag-asawa. Mahabang panahon na ang nakalipas, bagamat hindi ko pinagsisihan itong kabanata ng buhay ko, I was lucky to come out na walang naging problema.

Intact ang pamilya ko na kasama ko sa hirap at ginhawa. Sa mga kababayan natin na pumapasok sa ganitong relasyon, sana isipin ninyo na ako ay swerte lang na makalabas sa ganitong situation ng maayos. Kaya tayo umalis ng Pinas para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya natin. Marami sa mga kasama ko ang napariwara na naging dahilan ng paghihiwalay nila sa kanilang mga asawa at sinamahan ang mga naging girlfriends nila. Nasira ang pagasa ng pamilya nila na sa pag alis ng ama ng tahanan, magandang bukas ang makakamit nila."

Reposted from  GMANews.TV (10/26/2010)

Buhay OFW ng isang Mindanaoan

ni  Habib

Araw ng Linggo ngayon, walang boss, ibig sabihin walang trabaho masyado. Malaya na naman akong makakapanaginip ng gising. Kanina lang bago ko umpisahan ang trabaho ko (kunwari mayroon), dumungaw muna ako sa aking bintana dito sa office.

Tiningnan ang malawak na disyerto na napakaganda sa matang pagmasdan, ang hangin naman minsan ay naghuhugis korteng apa, ang mga puno ng dates na uniform ang looks, at mga mala-jet plane na sasakyan na parang ang mga driver nito ay may problema sa lovelife ng kanilang idolong artista.

Nangingiti ako hindi dahil sa wala si boss kundi dahil nagbalik sa aking alaala ang mga nakaraan ko (daydreaming?).

Actually, dalawang beses na akong nag-abroad, una noong 2005. May personal akong dahilan kung bakit ako umalis sa bayan namin ni Juan, hindi para maging bayaning buhay kundi para hanapin ang aking sarili. May mga bagay kasi noon na hindi ko lubos na maintindihan, at may mga pagkakamaling nagawa na hindi katanggap-tanggap sa aking sarili o hindi ko matanggap. Masyado akong nasakal at hindi makahinga, kaya napagdesisyonan akong hanapin ang aking sarili (langya parang dialogue sa isang pelikula).

Alam mo bang dati, ayaw na ayaw kong maging OFW? Oo, ayaw ko dahil ang akala ko noon sa kanila ay mga taksil sa bayan, sa pamilya, sa mga kaibigan at sa mga syota. Pero nagkamali ako dahil ngayon ko lang naitindihan ang lahat.

Ang isang OFW ay kahanga-hanga. Lahat nang paghihirap dito ay tinitiis para lang sa isang ngiti ng kanilang mahal. Tinitiis nila ang init ng araw at init ng ulo ng mga boss para sa mumunting pangarap nila sa kanilang pamilya.

Kaya OFW, Ripley’s Believe It or Not, bilib ako sa’yo.

Ang unang punta ko rito ay parang wala lang sa akin, hindi ako seryoso. Sabi ko nga may personal akong dahilan ('wag makulit) kaya umalis ako noong 2005. Sa mga panahon na ‘yun ay marami akong natutunan sa buhay – una ay naging pasensyoso sa kapwa.

Nakaramdam ako ng pagbabago sa aking buhay, unti-unti kong naitindihan ang mga nangyayari sa buhay ko. Doon ako nagsimulang magkaroon ng pangamba sa akin hinaharap (frontal?). Kumbaga ay nagmatured na ang aking pag-iisip.

Pagkatapos ng aking kontrata ay nagdesisyon na akong bumalik sa Pilipinas kahit ang ipon ko lang ay mahigit P17,000. Natatawa ako kapag naiisip ko ‘yun…biruin mo, dalawang taon at 3 buwan akong nagtrabaho sa Saudi pero P17,000 lang ang maiuuwi ko. Teka tatawa muna ako sandali (hahaha!)

Hindi big deal sa akin ‘yun, ang importante ay babalik ako sa Pilipinas na maayos ang kalooban ko, ang utak ko, ang laman loob ko, at ang buhok ko. Nakakatuwa lang isipin na sa Maynila palang ay naubos ko na ang aking pera. Teka, tatawa lang ako ulit (hahaha!). Sorry hindi ko talaga matiis na hindi matawa,(nyahaha!).

Ang pagbabalik

Sa unang araw ko sa amin, nakaramdam ako ng pagbabago, hindi lang sa aking sarili kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin. Parang tumaas ang tingin sa akin ng mga tao kahit hindi naman ako kataasan. Laging may special treatment sa akin sa mga okasyon na dinadaluhan ko. Feeling ko tuloy artistahin ako (shy).

Parang dumami ang mga tagahanga ko (ahem!). Lalo na ang mga matatanda, gusting-gusto nilang kwentuhan ko sila tungkol sa mga karanasan ko sa abroad habang naglalaro kami ng chess. Nakikita ko sa kanilang mga mata kung gaano sila ka-interesado sa mga ikinukuwento ko – tulad sa mga pagkain, mga klase ng tao. Hangang-hanga sila sa akin na para bang sa buwan ako nanggaling.

Ang mga bata naman ay lagi ako kinukulit dahil sa mga candies na dala ko para sa kanila. Mahilig kasi ako sa bata, mahilig akong makipag-usap sa kanila. Kahit 1 year old pa lang, kuntento na akong kausapin. Hindi kasi sila nagrereklamo kahit anong sabihin kong idea ko. Basta tatawa lang sila at yayakapin ako.

Sa mga ex-abroad naman ay nakikipagyabangan sa akin tungkol din sa mga karanasan nila dito sa Saudi. Pero talo ako kung experiences ang pag-uusapan, mas marami ata silang nakain na alikabok kaysa sa akin. Kaya Oo lang ako ng Oo sa kanila. Susumisingit na lang ako, naiisip kong minsan lang naman sila magbibida. Alam kung hindi ko sila matatalo, kaya yuko na lang ako.

Reposted from GMANews.TV (11/06/2010)