Search Here

Custom Search
Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

For Pinoys across the world, Christmas always connects with home

Filipinos of all stripes around the world, even those in the most unlikely overseas destinations, are not about to let pass what is obviously the happiest Christian season without stamping their unmistakeably Pinoy imprint on it.

If they can’t visit home, if they can’t send back gift packages, and apart from calling home by phone or the Internet, the next best way to connect with home is to line up typically-Pinoy Christmas celebrations—often as early as the start of December.

In the United States, with one of biggest contingents of Filipino immigrants and transient residents, Christmas Philippine-style is almost a full transplant from the native land.

The Philippine Consulate General in Los Angeles, for example, started the nine-day novena mass with the traditional Simbang Gabi (Dawn Mass) and Parade of Parols (Lanterns) at the our Lady of the Angels Cathedral in downtown Los Angeles.

The Filipino-American community in San Francisco meanwhile held for the eighth time its Annual San Francisco Lantern Festival at the Yerba Buena Lane on December 11, with participating contingents carrying their own lanterns.

The Philippine Embassy in Washington D.C. meanwhile opened the Christmas season by decking its newly inaugurated Consular Office with Philippine-themed decorations, notably the parols made by children.

The Embassy likewise organized the Paskong Pinoy 2010 at the Catholic University of America, which drew some 400 guests and featured performances from Filipino-American artists.

Traditional Philippine lanterns have likewise been at the center of holiday celebrations, with over a hundred parols lit up at the Philippine Embassy grounds in Bangkok. The lanterns came all the way from the province of Pampanga, which has become popular nationwide for its decorative lanterns.

Other Filipino communities overseas likewise are holding their usual Christmas parties, as an opportunity for Filipino migrant workers to get together, according to the Department of Foreign Affairs.

In Brunei Darussalam, the Philippine Embassy and the Filipino community there held their Annual “Pasko ng Pinoy", with comedienne Giselle Sanchez as their guest.

More than 300 Filipinos and their foreign guests also gathered at the Philippine Embassy grounds in Abuja, Nigeria for a Thanksgiving mass and a Christmas party.

Filipino parishioners of the Our Lady of Assumption Church in Toronto also organized a Christmas Party for Migrant Workers, which featured free Filipino food, games and prizes.

Similar gathering were likewise spearheaded by the Philippine Embassies in Vientiane (Laos) and Pakistan for overseas Filipinos based there.

In Vietnam, meanwhile, Filipinos on the evening of Christmas Eve and the morning after would troop to nearby churches such as the St. Joseph's Cathedral on Nha Tho Street in Hanoi and the Saigon Notre Dame Cathedral on Duong Nguyen Du street for the traditional mass, narrates GMANews.TV contributor Eileen Paat.

Paat says a big number of Filipinos attend the 9:30 a.m. mass on Sundays, which is the only English-language mass for the day.

But Christmas is basically quiet in Vietnam, according to Paat, with Filipinos gathering a week or two before Christmas day just before they go for a holiday vacation in the Philippines.Jerrie M. Abella with Eileen Paat/JV, GMANews.TV

OFWs have to wait for jobs at home — DOLE

Overseas Filipino workers would have to wait a while before government can generate enough decent jobs for them to come home, the country’s new labor chief said over the weekend.

For now, President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ordered to increase protection for OFWs in their host countries, Labor Secretary Rosalinda Baldoz said on government-run dzRB radio.

“Bagamat ang layunin mag-create ng bagong jobs sa ating bansa at magkaroon ng maayos na hanapbuhay, maaaring ‘di agad mangyari ‘yan. Sa ating kababayang nasa ibang bansa na nagtatrabaho at magtatrabaho, mas malawak na proteksyon gustong makita ni Pangulong Aquino (While the intention is to create new jobs in the country – to have decent jobs – this may not happen immediately. For our compatriots working abroad and those planning to work overseas, President Aquino wants to see increased protection.),” Baldoz said.

The Labor Department and other government offices still need to lay down the groundwork to generate more jobs at home, she said.

Aquino, in his inaugural speech on Wednesday, promised to generate more jobs at home leveling the playing field to encourage more investments so that Filipinos need not go abroad for jobs that pay better.

“We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business,” the President said.

“Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailangan ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho (Our goal is to generate enough jobs so Filipinos need not go abroad to find work),” he added.

In the meantime, he ordered the Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Administration, and Overseas Workers Welfare Administration – previously headed by Baldoz – to address the concerns of OFWs. —VS, GMANews.TV 


By: JERRIE ABELLA, GMANews.TV

OFWs muling pinaalalahanan na igalang ang batas sa KSA

JEDDAH, Saudi Arabia – Sa pagkalat ng electronic mails sa Pinoy communities sa bansang ito na nagbibigay babala tungkol sa ilegal na mga gawain, muling nanawagan ang mga opisyal ng Pilipinas sa mga overseas Filipino worker (OFW) na sundin ang batas at kultura sa KSA.

Kabilang sa nakasaad sa kumakalat na email ay tungkol sa umano’y pagkakahuli kamakailan sa 23 bakla na naaktuhang naka-make-up at kumikilos na parang babae.

Nakasaad din sa email ang babala laban sa pagsasama-sama ng mga babae at lalaki sa isang lugar na hindi naman mag-asawa o magkamag-anak. Tanging magkapamilya lamang ang pinapayagan ng awtoridad sa KSA na magsama sa ibang bahay.

Ayon pa sa babala, nagpakalat ang awtoridad ng mga ahenteng iba ang nasyunalidad upang isumbong ang mga dayuhan sa kanilang bansa na sangkot sa bawal na relasyon at maging ang mga gumagamit o sangkot sa pagkakalat ng ilegal na droga.

Bagamat hindi pa nakukumpirma ng konsulado ang tungkol sa kumakalat na email, pinayuhan ni Philippine Consul General Ezzedin Tago ang mga Pilipino doon na mas makabubuting umiwas sa mga ilegal na gawain upang hindi mapahamak.

Binigyan-diin ng opisyal na dapat isipin ng mga OFW na wala na sila sa Pilipinas kung saan mas malaya ang makipagrelasyon at maituturing mas maluwag ang batas.

Idinagdag ni Tago na dapat alalahanin ng mga Pinoy na nasa Saudi na may parusang kapalit kapag napatunayang sangkot sila gawaing “immoral” na magiging dahilan para mauwiin sila Pilipinas matapos makulong at posibleng malatigo.

“Concerned kami sa mga naririnig naming report tungkol sa dumaraming pag-aresto dahil may mga involve yung usual na inuman o party, party. We just want you all to be safe to enjoy yung pag-stay niyo sa Saudi Arabia para matulungan niyo ang mga pamilya niyo,” ayon sa opisyal.

Ganoon din ang naging pahayag ng Philippine Vice Consul Roussel Reyes na umaasang hindi totoo ang kumakalat na balita kaugnay sa panibagong kaso ng pagdakip sa mga Pinoy.

Sinabi nito na magsasagawa sila ng beripikasyon tungkol sa ulat kasabay din ng paalala niya sa mga Pilipino sa KSA na huwag gumawa ng mga bagay na hindi naaayon sa batas ng bansang kinalalagyan nila.

“Iba pa rin yung nagtatrabaho tayo nang maayos para sa ating mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Kaya irespeto po natin ang kanilang batas, kultura at alituntunin,” pahayag ni Reyes.

Kinondena naman ni Ernie Apollo, isang OFW, ang mga kababayan na gumagawa ng labag sa batas ng KSA na nagiging dahilan para madamay umano ang mga Pinoy na maayos na nagtatrabaho doon.

“Iwasan na ang ganong klaseng problema para hindi naman nadadamay ang mga lehitimong mag-asawa sa ganoong pangyayari. Kasi ang pagkakamali ng isa, lahat ay hagip na naman pati ang legal na Filipino couples,” aniya.

Samantala, may ilan ding nakakakita ng magandang resulta sa paghihigpit ng awtoridad sa KSA lalo na ang mga Pinoy na natutukso at pumapasok sa bawal na relasyon.

Ayon kay Emma Avelino, tubong Mandaluyong, at anim na taon nang nagtatrabaho sa Saudi, magandang balita ito lalo na sa mga naiwang asawa sa Pilipinas dahil hindi na makakapagloko ang mga asawang nasa abroad.

Nanawagan din ang pinuno ng Order of the Knights of Rizal (OKOR) Riyadh Chapter na si Ronnie Ulip, na ayusin ng mga OFW ang kanilang buhay sa KSA at labanan ang matinding kalungkutan na malayo sa pamilya.

“Marami pong mga OFW ang napapahamak dahil sa kagagawan ng iba nating mga pasaway na kababayan.

Kaya iwasan po natin gumawa ng mgabagay na pagsisisihan natin sa huli,” payo ni Ulip

Ronaldo Concha, GMANews.TV

OFW remittances to PH is ‘4th largest in the world’

By Michelle Remo


MANILA, Philippines— The Philippines remained one of the world's biggest recipients of remittances in 2010 and is seen to witness a further surge in money from Filipino migrant workers in the next two years, according to the latest "Migration and Remittances Factbook" by the World Bank.

Based on the country rankings shown in the report, remittances to the Philippines were the fourth-biggest worldwide.

Remittances to the Philippines are estimated to reach $21.3 billion for the entire 2010, registering a 23-percent growth from the $17.3 billion recorded last year.

Official and latest data from the Bangko Sentral ng Pilipinas showed that in January to August, remittances reached $12.2 billion. The World Bank estimates, however, that some $9.1 billion more remittances were sent and will be sent to the Philippines from September to December this year.

The estimated remittances to the Philippines follow the estimates for India ($55 billion), China ($51 billion), and Mexico ($22.6 billion), which were the Top 3 biggest recipients of remittances.

Landing on the fifth place, behind the Philippines, is France, remittances to which are estimated to reach $15.9 billion.

Total remittances to all developing countries are estimated to reach $325 billion this year, up by 6 percent from last year's $307 billion and rebounding from the contraction registered in 2009 as a result of the global crisis.

Remittances to the Philippines significantly help boost growth of the domestic economy, as these largely fuel household consumption. Estimates by the World Bank said remittances to the country were equivalent to about 12 percent of its gross domestic product.

Economic managers admitted that remittances largely helped the country escape recession last year, when the latest global turmoil was said to have peaked. The Philippines grew by 1.1 percent last year, performing better than most industrialized countries, which contracted.

Remittances continued to grow this year due to higher demand for Filipino workers in more countries and in more sectors.

"The diversified destination of Filipino migrants contributed to steady growth in 2010 despite the crisis," the World Bank said.

The developmental institution has projected that remittances to the Philippines would grow further next year, consistent with the likely rise in overall remittances to developing countries.

According to World Bank, remittances to developing countries may surge further by 6.2 percent in 2011 and by 8.1 percent in 2012.

However, the bank pointed out risks to the projection, including the still high unemployment rate in the United States and some other countries that accounted for the biggest migrant workers. Should their employment situation worsen, remittances to developing countries might be adversely affected, the bank said.

Note: 
Reposted from Philippine Daily Inquirer
First Posted 17:50:00 11/09/2010

Filed Under: Remittances, government, International (Foreign)Trade, Good news, Economic Indicators, Economy and Business and Finance


A Letter to P.Noy from an OFW

Mahal na Bagong Pangulong Noynoy Aquino:

Ako po na isang OFW ay nagpapahayag ng suporta sa inyong layunin sa maibalik ang nawalang dignidad ng ating bansang Pilipinas sa nagdaang mga panahon. Ako po ay naniniwala na ang isang administrasyon na nag-umpisa sa mali ay mananatiling mali hanggang sa kahuli-hulihang segundo ng panunungkulan nito. At ito nga po ang nahayag at naganap sa mahigit na siyam at kalahating taon sa ating Inang Bayan na Pilipinas.

Masasabi ko pong sa wakas ay natamo na nating muli ang kalayaang huli nating natamasa noong ika-12 nang Hunyo 1898 sa pamamahala ni General Emilio Aguinaldo. Ako ay napilitang mangibang bansa noong 2006 dahil sa nakaambang kawalan ng trabaho o hanapbuhay sa pagtatapos ng aking kontrata sa pinapasukan kong kumpanya. At sa aking pananaw na sa pangingibang-bayan ay matutugunan ang mga pangangailangang pinansiyal ng aming pamilya na hindi maaaring matugunan ng anumang trabaho sa ating bansa.

Sa kabila ng magiging kalungkutan, pagtitiis o sakripisyo na mararanasan sa pangingibang bansa ay hindi ito naging balakid sa aking solidong pasya na tumuloy at malayo sa kanila. Sapagkat ito lang ang magiging katugunan sa maaaring paghihirap na mararanasan namin kung mananatili ako sa pakikipagsapalaran sa Pilipinas nang panahong iyon.

Pagkalipas ng mahigit na dalawang taon na malayo sa aking pamilya ay natapos din ang aming pagtitiis. Sapagkat sa maikling panahon na iyon ay muli kaming nagkasama-sama ngunit hindi sa ating bansang Pilipinas na aming sinisinta. Sa halip, kami ay nagkasama-sama sa dayuhang bansa na nagbigay sa amin ng pag-asa upang mabuhay na hindi salat sa anumang pangangailangan namin sa araw-araw.

Napagdesisyunan naming mag-asawa na manatili na at ituloy ang aming pamumuhay kasama ng aming mga anak dito sa bansang aming kinalalagyan ngayon. Pagkatapos ay kami na lamang ang umuuwi taon-taon sa Pilipinas upang magbakasyon at makapiling muli ang aming mga mahal sa buhay na nananatili sa ating pinakamamahal na bansa.

Masakit man sa amin ay wala kaming magagawa na talikuran pansamatala ang bayang aming sinisinta kapalit ng masasabi nating buhay na maginhawa. Sapagkat kung kami ay magtitiyaga lang sa ating bansa e malamang wala rin kaming mapapala habang ang Pilipinas ay lugmok at ‘di pa nakakaahon sa matinding pagkadukha.
Ang aming panawagan sa ating Mahal na Pangulong Noynoy Aquino na sana’y isulong at isakatuparan niya ang layunin ng kanyang administrasyon na “WALANG MAHIRAP” kung “WALANG CORRUPTION.” Sapagkat hindi lingid sa kanyang kaalaman ang nagiging dahilan ng marami nating kababayan — kabilang na ang aming pamilya — na napipilitang mangibang bansa ay para magtrabaho.

Kasunod nito ay piliin na rin na doon na manirahan kaysa manatili sa sariling bayan na laganap ang kahirapan, walang hustisya, mabagal ang proseso ng mga ahensiya, kasama na ang katiwalian. At ang mga kawani ng gobyerno — nasa mababa man o mataas na posisyon — imbes na maglingkod sa mamamayan ay sila pa mismo ang nagiging hadlang at nagpapahirap sa nakararami.

Sa ganitong sistema ng ating bansa ay hindi malayong mas piliin ng maraming propesyunal at mga skilled workers na gamitin ang kanilang husay sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan.

Ang mga OFW, kasama ang buo naming pamilya ay muling umaasa na sa ilalim ng panunungkulan ng bagong halal na Pangulo ng Bayan ay matutupad at muling maibabalik ang naglahong pangarap ng sambayanan. Dili’t walang iba kundi ang pag-asang mabago, maiangat ang ating nakalugmok na bansa sa kahirapan at muling kilalanin ang Pilipinas sa buong mundo – hindi lamang sa husay ng mga Pilipino kundi sa kaayusan ng pamumuno ng mga nakaupo sa gobyerno.

Ito na ang oras ng pagbabago. Ang oras upang ibalik ang tiwala ng sambayanan sa gobyerno at ang dangal ng ating Inang Bayang Pilipinas. Mabuhay po kayo mahal na Pangulong Noynoy Aquino at God bless you!

P.S.
Sana naman po ay pagtuunan n’yo ng pansin ang mga kababayan nating may mga suliranin at kaso dito sa Saudi Arabia at kami ay umaasa na kayo ay makabisita. Sana po mga Kapuso ay inyong mailathala ito at maiparating sa Mahal na Pangulong Noynoy Aquino ito. Nais ko rin sanang hilingin kay Ms. Kara David ng OFW Diaries ay mag-cover naman at mag-documentary dito Saudi Arabia.

Solid Kapuso po kami at we always watching GMA Pinoy TV sa Orbit. God bless po sa inyong lahat at more power.

Thanks and regards,

Gary Bangit Vasquez

Shared via GMANews.TV


Isang kabanata sa buhay ng chikboy na OFW sa Saudi

ni Johnson

Nag-umpisa akong mag-abroad taong 1982 at nadestino sa Alkhobar bilang isang Sales Engineer. Dito medyo malungkot dahil puro trabaho, although madalas ay nasa dagat kami… either nagpi-fishing or mangunguha ng shells at alimasag.

After two years sa Alkhobar, nalipat ako sa Jeddah. Dito na naging parang normal or actually higit pa sa normal ang buhay ko. Maaaring mahirap paniwalaan at mga kasamahan ko lang ang pwedeng magpatotoo na napakaluwag sa Jeddah noon kaysa ngayon.

Noon, kahit saan ka magpunta na may kasama kang babae ay hindi ka sisitahin. In fact every Friday, ang mga bardaka ay nasa beach at naliligo kasama ang mga girlfriend nila. Nag-umpisang maging makulay ang buhay ko doon nang nakilala ko ang grupo na mga binata kuno ng Jeddah.


Meron kaming mga kabarkada na nagtatraho sa airport ng Jeddah at nang mga panahon na iton ay maraming Pinay na kinukuhang stewardess ng isang airlines sa Saudi. Ang sabi ng bakarda ko, “brod may ambagang para sa drinks at pagkain para sa get together."

Ang mga magiging bisita doon ay mga bagong recruit ng airlines. Ang sabi pa, mas marami sila (babae) kaysa sa amin kaya walang magiging agawan. Kapag dinikitan na ng isa ang nagustuhang babae, wala nang manggugulo.

Thursday night iyon at dumating ang mga girls sa bahay ng isa naming barkadang manager ng travel agency sa Jeddah. Sampu kaming lalaki, labing pito ang bagong recruit na dumating. Kagaya ng napagkasunduan, isa-isang ng nagdikitan ang grupo sa mga kursunada nila. Ako, dahil medyo bago sa samahan, manipis pa (o mahiyain).

Ang problema may dumikit sa akin na babae na may asawa na sa Pinas. Isa siya sa medyo binigyan ng pabor ng airlines kasi ang father niya ay kilala ng recruiter. Bantulot man ako ay okey na rin dahil maganda rin naman iyong babae. Nang gabing iyo ay lumabas kami at nagpunta sa mall habang ang mga kasama ko ay nasa party.

Nang bumalik kami ay may dala na siyang stuff toy na hiniling niya sa akin. Sabi ko, okey lang gumastos doon kasi hindi naman mahal. Lahat sa party eh namangha sa bilis ng mga pangyayari. Sabi ng mga barkada mabilis daw akong masyado. Pero sa loob ko, sabi ko, “ang mabilis e iyong babae."

Simula noon, ang mga barkada ang may gathering tuwing Thursday at nasa beach naman tuwing Friday. Nagbago lang ito at ang iba ay nawawala na sa gathering kapag nagkaroon ng karelasyon na iba.

Ako, hindi ko pa rin girlfriend si babae dahil alam kong may asawa siya. Ayaw kong patulan pero magkasama kami sa lakaran. Alam ito ng mga barkada at may isang nagbangit na madalas daw akong tanungin ng isang stewardess na dalaga. Bakit hindi ko raw subukang ligawan.

Noong natapos ang training nila, binigyan sila ng one week rest sa Pinas. Pero bago sila umalis, naimbita kami sa isang birthday party. Sa party, kasama ko itong babaeng may asawa at nandoon din ‘yong babaeng dalaga na sinasabing curious tungkol sa akin. Ang pagkakaalam kasi nila (galing sa mga kasama ko) e binata ako.

Napansin nitong may asawa na ibinabaling ko ang atensiyon ko which was being reciprocated naman ng girl. So nang natapos ang party, on the way na sa compound ng airlines, sabi nitong girl na may asawa na hindi na daw siya babalik kung hindi rin lang kami magiging mag-boyfriend. Ako naman si gago, pumayag na maging kami.

Nang magbalik na sila galing sa Pinas, nandoon siyempre sa airport ang barkada para sumalubong. May dala pa akong rosas na tinanggihan namang kunin nitong babae na may-asawa. Na-guilty yata nang nakauwi ng Pinas at nakasama ang mister.

Sabi ko good riddance. Pwede ko ngayong habulin iyong dalaga pero may boyfriend sa Pinas. Naging girlfriend ko siya kahit bago pa niya ako sagutin ay sinabi ko na may asawa na ako. Sa panahon na may relasyon kami, lalo akong humanga sa kanya.

Tuwing lumilipad siya papuntang Pinas, binibilhan niya ng pasalubong ang family ko at binibigay niya ito sa kapatid ko. Sinasabi niya na ako ang nagpadala. Wala raw siyang balak sirain ang pamilya ko. Bago matapos ang isang taon, ginawa silang Manila base at dumalang na ang pagkikita namin. Kalimitan hangang Riyadh lang sila galing at pabalik ng Pinas. Minsan na lang sila napupunta ng Jeddah.

Sumunod na ay dumating ang mga bagong recruit ng airlines at nagkaroon ako ng pangalawa. Itong isang ito, napakabilis. May anak siya sa pagkadalaga. Alam niya na may kasamahan siya sa airlines na girlfriend ko. Pero iyong isa, walang alam tungkol sa kanya.

Minsan tinanong ako nung babaeng dalaga kung kilala ko raw itong si babaeng may anak sa pagkadalaga dahil iniirapan daw siya kapag nagkakasalubong sila. Hindi naman daw niya makompronta kasi head stewardess ng ate nitong pangalawa. Ang sagot ko, hindi.


Nang magbakasyon ako, isinabay ng pangalawa kong girlfriend ang bakasyon niya. Nasa economy ako at siya naman sa business class. Pero hindi nagtagal ay lumipat siya sa tabi ng upuan ko. Ang problema, may kaibigan na flight attendant ang unang girlfriend ko sa flight na iyon – huli ako.

Nang nasa airport na kami, habang tinutulungan ko si pangalawa sa kanyang mga gamit, laking gulat ko nang sinalubong ako ni unang girlfirend. Hindi lang iyon ang eksena… nasa labas naman ang misis ko.

Wala akong nagawa kundi iwan si second girlfriend at hinabol si una para magpaliwanag. Pero ayaw na niyang makinig. Lumabas na ako ng airport para makita naman ang asawa ko. Pagbalik ko sa Saudi, ayaw na akong kausapin ng babaeng may anak sa pagkadalaga at naghanap na siya ng kapalit ko. Pero si first girlfriend ay mabait at tinanggap ang paliwanag ko.


Nagdaan ang panahon, sinabihan ako ni una na magpapakasal na sila ng boyfriend niya. Niyaya na raw siya at hindi na siya puwedeng tumangi. Pinayuhan niya ako na tumigil na sa kalokohan ko at atupagin na lang ang pamilya ko. Para daw maalala niya ako, isang araw lang ang pagitan ng kasal niya sa anniversary ng kasal ko.


Pakiusap lang niya, huwag akong magpapakita sa kasal niya at baka maiyak siya at magmukhang kawawa ang asawa niya. Dumalo pa rin ako pero tinanaw ko lang ang kasal ng babaeng naging bahagi ng isang kabanata ng buhay ko bilang OFW sa Saudi.

***
Dumalo ako at tinanaw ko ang kasal ng babaeng naging bahagi ng isang kabanata ng buhay ko Saudi. Simula noon hindi na kami nagkita, tinupad namin ang usapan na hindi namin bibigyan ng dahilan na masira ang aming mga pamilya. Balita ko, siya kasama ang asawa niya ay nagmigrate sa isang bansa at maganda na ang buhay nila ngayon.

Ako, tinupad ko ang pangako na hindi na maglalaro. Nagpapasalamat na sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ito nabalitaan ng misis ko na pagmumulan ng pagkasira ng relasyon naming mag-asawa. Mahabang panahon na ang nakalipas, bagamat hindi ko pinagsisihan itong kabanata ng buhay ko, I was lucky to come out na walang naging problema.

Intact ang pamilya ko na kasama ko sa hirap at ginhawa. Sa mga kababayan natin na pumapasok sa ganitong relasyon, sana isipin ninyo na ako ay swerte lang na makalabas sa ganitong situation ng maayos. Kaya tayo umalis ng Pinas para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya natin. Marami sa mga kasama ko ang napariwara na naging dahilan ng paghihiwalay nila sa kanilang mga asawa at sinamahan ang mga naging girlfriends nila. Nasira ang pagasa ng pamilya nila na sa pag alis ng ama ng tahanan, magandang bukas ang makakamit nila."

Reposted from  GMANews.TV (10/26/2010)

Bakit kinalimutan ni PNoy ang mga ‘Bagong Bayani’?

ni  Marjun

Puna sa unang SONA ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III.

Kayo po ang boss ko.

Ito ang isa sa mga di-malilimutang kataga na tumatak sa maraming Pilipino during the inauguration of President Benigno Aquino III. Kayo, ibig sabihin, tayo, ikaw ako, kami. Opo, kabilang po kaming mga overseas Filipino workers. Kaming mga tinaguriang Bagong Bayani.

But it was surprising to know that in his first State of the Nation Address (SONA), tila kinalimutan niya ang mga OFW, samantalang bukambibig niya kami noong siya ay nangangampanya pa lamang. Para sa akin, hindi na kami matawag na marginalized sector ng ating lipunan dahil sa laki ng aming populasyon, lalo na sa magnitude ng aming contribution to the Philippine economy.

Sa una, maganda ang naging daloy ng speech niya. It is right to present the facts so the people would know where he would begin. Pero sa kalaunan, naging subjective siya lalo na when he specifically mentioned the province of Pampanga’s first district receiving a large pie of the total calamity fund.

May patutsada.

Kung genuine reconciliation ang ino-offer niya as he advocates from the beginning, mas maganda sana kung naroon pa rin ang objectivity niya when it comes to his alleged inherited issues of the past administration. I believe that the people are aware of the past regime’s immeasurable and shameful crimes. There is no need to magnify them. They have been blown out of proportion.

Bakit kailangan pigain pa? Isn’t it obvious that the people needed change? And one great evidence, assuming that the recent election was clean, is none other than the president himself.

Sana man lang binigyan niya ng kahit konting sandali kaming mga OFWs kaysa sa mga bitterness niya over the past president. Sana naglatag siya ng kongkretong plataporma on helping alleviate the plight of OFWs.

Nag-abang pa naman kaming lahat at umasa sa ilalahad niyang programa para sa amin, subalit kami ay bigo!

Kunsabagay, even during his interviews after the proclamation, wala akong napanood na concrete plans para sa mga Bagong Bayani when asked by reporters during his press conferences. Yung mga sinabi niya, narinig ko na noon sa mga nag-nanais magpabango sa aminng mga OFWs.

Walang bago.

Masyadong general ang kinasaklawan ng kaniyang mga sagot, kahit man lang sana halimbawa, isang concrete action plans for returning OFWs. Kung tutusin, ‘di pa naman talaga kaya ng gobyerno ang mag-provide ng trabaho. Hindi mapigilan ng kahit sinumang uupo na preseidente ang Filipino diaspora. Ito ay dahil kakaunti ang oportunidad sa lumolobong populasyon. Kahit pa sabihin nilang maraming bagong investors,  silang mga politiko pa rin ang nakikinabang at hindi ang kawawang si Juan dela Cruz.
 
Kaya nananawagan po sana kami kay PNoy na maglahad ng makatotohanang programa sa mga returning OFWs. At least, he will start from this. He has to consider that a large chunk of the OFW population is aging! At bilang isang bayani na nagbubuwis ng buhay para sa kanyang Inang Bayan, isn’t it fitting that we deserve a “red carpet" welcome?

Kaya lang ang problema, pagdating sa pag-generate ng income, ang bilis nilang mag-isip ng paraan para gatasan kami. Pero sa pagbibigay ng benepisyo, tila wala silang mga utak at puso!

Sure, there are benefits offered by OWWA tulad ng loan, pero pahirapan naman sa pagkuha nito. Alam ko dahil nasubukan ko na. Pati repatriation ng bangkay ng OFW, pahirapan din. Kung ‘di mo pa lapitan ang isang politiko o aasikasuhin ng employer mo, walang mangyayari. Kung buhay pa e pinahihirapan na, yung patay pa kaya? At tinatawag kaming mga Bagong Bayani ha?!

Mayroon pa silang ibang offers pero ‘di pinapaalam nang tama, kulang sa information dissemination. Saan kaya dinadala ang milyun-milyon naming contributions? Tapos balita naming mayroon na naman silang bagong i-impose sa amin na mandatory daw? Uh-oh.

Sa isang banda, I believe in PNoy’s noble intentions because I believe in the power of bloodline. I hope his future speeches will include us and will not be just purely rhetoric and his promises, ephemeral.

But his desire for clean and honest governance must be contagious enough to infect everyone. And I mean everyone. From his allies to his enemies, from his fans to his detractors, even to the perennial thieves, who by the way, still enjoy plundering the country’s wealth, down to the lowly “hoi polloi" or the common tao – kasama kami siyempre, mga OFWs.

Kaya PNoy, sir, if you believe in our great role as one of the major catalysts of our nation’s economy and pride, then we don’t deserve to be ignored. Certainly not.

Reposted from GMANews.TV (11/02/2010)

Ang kahulugan sa akin ng salitang 'abroad’

ni Bong Carlo Allardo

Para sa akin, isa sa kahulugan ng salitang "Abroad" ay ang "Pagbabago." Pagbabago sa hangarin na matupad ang mga pangarap sa buhay at pangarap para sa pamilya.

Subalit ang pagkamit sa pangarap ay nagiging praktikal sa iba. Ang buhay abroad ay pagbabago ng buhay o lifestyle ika nga. Isa itong karapatang para magbago ‘di lamang pang-personal kundi para sa pamilya.


Pagbabagong praktikal ay ‘di nga naman dapat pinapakialaman. Ngunit ang masaklap, pati na ang pag-uugali ay kasama nang nabago. Hindi lang alam na ito ay nakakasakit na sa kapwa at meron na itong nasasagasaan. Dahil ang praktikal na pagbabago sa buhay, sa pag-uugali, dating pakikitungo sa kapwa, at pagtanaw sa pinanggalingan ay kasama na ring nabago ng lifestyle na hiram. At kulang na lang ay isuka at kasuklaman sagad sa sumpa at panata na ‘di na kilalanin kung ano ang dating pagkatao at kung ano ang dating buhay na kinagisnan, at kung saan ang pinanggalingang kultura.

Pagbabago na kung saan ang isang tao, na kapag nagka-pamilya sa abroad ay nalimot na o hindi na marunong ituro sa anak o sa loob ng pamilya ang aral o kulturang Pinoy. Oo nga naman, dapat lang na ang pag-aaral sa bagong kulturang kinagisnan ang dapat maituro. Kasi iyan na mismo ang kanilang nasyonalidad.

Pero naisip ba natin na meron pa rin tayong mga kababayang nasa abroad na nakararami at dala-dala pa rin ang kulturang Pinoy hanggang sa pinakadulo ng kanilang pamilya? Hindi ba masagi sa isipan natin na kapag nagsama-sama ang ating pamilya, sa pamilya na may kulturang- Pinoy ay hindi kaya maging alienated na ang labas nila?

Pagbabago sa paraan na magawa ang gustong gawin pangsarili. Nagagawang gastusin ang perang pinaghirapan sa mga bagay na ‘di dapat ipagyabang sa kapwa, dahil naiinggit na at natangay na sa luho ng iba. Sinasabayan ang pagbabagong lifestyle ng iba ngunit ang ‘di alam ay mayroong mahal sa buhay na umaasa na mabago din ang kanilang pamumuhay. Ano pa at sinarili na lang ang pagbabago na dapat para mga mahal sa buhay o sa pamilya.

Ang praktikal na paggastos ay sinasamahan pa ng imoralidad na gawain…sige ang bira saan man mapadpad dahil ang nasa isip ay meron naman trabaho at dolyar ang kapalit. Do the cycle of lifestyle, ganun at ganun pa rin ang kalalabasan. Hanggang sa ang pagsisi ay nasa bandang huli.

Pagbabago na ‘di lamang pangsarili at sa pamilya nagagawa. Pagbabago na inaasam ng bawat Pilipino para sa mga ahensya ng gobyerno na mabago ang sistema. Upang ang salitang "Abroad" ay di na hahanapin pa ng mga kababayan natin na naghahangad ng magandang kinabukasan para sarili at sa pamilya.

Nakalulungkot isipin na ang sariling bansa ay iniiwanan na ng mga naggagalingang mga Pilipino sa dahilang kulang at di- maibigay ang hinahangad na suporta para sa hangarin ng bawat Pilipino na matupad ang pinapangarap na buhay. Malayo man sa topiko, maraming kritiko ang nagsasabing tayo ay tuluyan nang napag-iwanan sa kaunlaran kumpara sa mayroon ang kalapit bansa, at di lamang sa rehiyon ng Asia.

Abroad, napakaluwang ng kahulugan pero ito ay natutuldukan sa iisang kahulugan lamang, ang "MAG-ABROAD."

Peace po sa lahat!... :)

Reposted from  GMANews.TV (10/30/2010 )

Buhay OFW ng isang Mindanaoan

ni  Habib

Araw ng Linggo ngayon, walang boss, ibig sabihin walang trabaho masyado. Malaya na naman akong makakapanaginip ng gising. Kanina lang bago ko umpisahan ang trabaho ko (kunwari mayroon), dumungaw muna ako sa aking bintana dito sa office.

Tiningnan ang malawak na disyerto na napakaganda sa matang pagmasdan, ang hangin naman minsan ay naghuhugis korteng apa, ang mga puno ng dates na uniform ang looks, at mga mala-jet plane na sasakyan na parang ang mga driver nito ay may problema sa lovelife ng kanilang idolong artista.

Nangingiti ako hindi dahil sa wala si boss kundi dahil nagbalik sa aking alaala ang mga nakaraan ko (daydreaming?).

Actually, dalawang beses na akong nag-abroad, una noong 2005. May personal akong dahilan kung bakit ako umalis sa bayan namin ni Juan, hindi para maging bayaning buhay kundi para hanapin ang aking sarili. May mga bagay kasi noon na hindi ko lubos na maintindihan, at may mga pagkakamaling nagawa na hindi katanggap-tanggap sa aking sarili o hindi ko matanggap. Masyado akong nasakal at hindi makahinga, kaya napagdesisyonan akong hanapin ang aking sarili (langya parang dialogue sa isang pelikula).

Alam mo bang dati, ayaw na ayaw kong maging OFW? Oo, ayaw ko dahil ang akala ko noon sa kanila ay mga taksil sa bayan, sa pamilya, sa mga kaibigan at sa mga syota. Pero nagkamali ako dahil ngayon ko lang naitindihan ang lahat.

Ang isang OFW ay kahanga-hanga. Lahat nang paghihirap dito ay tinitiis para lang sa isang ngiti ng kanilang mahal. Tinitiis nila ang init ng araw at init ng ulo ng mga boss para sa mumunting pangarap nila sa kanilang pamilya.

Kaya OFW, Ripley’s Believe It or Not, bilib ako sa’yo.

Ang unang punta ko rito ay parang wala lang sa akin, hindi ako seryoso. Sabi ko nga may personal akong dahilan ('wag makulit) kaya umalis ako noong 2005. Sa mga panahon na ‘yun ay marami akong natutunan sa buhay – una ay naging pasensyoso sa kapwa.

Nakaramdam ako ng pagbabago sa aking buhay, unti-unti kong naitindihan ang mga nangyayari sa buhay ko. Doon ako nagsimulang magkaroon ng pangamba sa akin hinaharap (frontal?). Kumbaga ay nagmatured na ang aking pag-iisip.

Pagkatapos ng aking kontrata ay nagdesisyon na akong bumalik sa Pilipinas kahit ang ipon ko lang ay mahigit P17,000. Natatawa ako kapag naiisip ko ‘yun…biruin mo, dalawang taon at 3 buwan akong nagtrabaho sa Saudi pero P17,000 lang ang maiuuwi ko. Teka tatawa muna ako sandali (hahaha!)

Hindi big deal sa akin ‘yun, ang importante ay babalik ako sa Pilipinas na maayos ang kalooban ko, ang utak ko, ang laman loob ko, at ang buhok ko. Nakakatuwa lang isipin na sa Maynila palang ay naubos ko na ang aking pera. Teka, tatawa lang ako ulit (hahaha!). Sorry hindi ko talaga matiis na hindi matawa,(nyahaha!).

Ang pagbabalik

Sa unang araw ko sa amin, nakaramdam ako ng pagbabago, hindi lang sa aking sarili kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin. Parang tumaas ang tingin sa akin ng mga tao kahit hindi naman ako kataasan. Laging may special treatment sa akin sa mga okasyon na dinadaluhan ko. Feeling ko tuloy artistahin ako (shy).

Parang dumami ang mga tagahanga ko (ahem!). Lalo na ang mga matatanda, gusting-gusto nilang kwentuhan ko sila tungkol sa mga karanasan ko sa abroad habang naglalaro kami ng chess. Nakikita ko sa kanilang mga mata kung gaano sila ka-interesado sa mga ikinukuwento ko – tulad sa mga pagkain, mga klase ng tao. Hangang-hanga sila sa akin na para bang sa buwan ako nanggaling.

Ang mga bata naman ay lagi ako kinukulit dahil sa mga candies na dala ko para sa kanila. Mahilig kasi ako sa bata, mahilig akong makipag-usap sa kanila. Kahit 1 year old pa lang, kuntento na akong kausapin. Hindi kasi sila nagrereklamo kahit anong sabihin kong idea ko. Basta tatawa lang sila at yayakapin ako.

Sa mga ex-abroad naman ay nakikipagyabangan sa akin tungkol din sa mga karanasan nila dito sa Saudi. Pero talo ako kung experiences ang pag-uusapan, mas marami ata silang nakain na alikabok kaysa sa akin. Kaya Oo lang ako ng Oo sa kanila. Susumisingit na lang ako, naiisip kong minsan lang naman sila magbibida. Alam kung hindi ko sila matatalo, kaya yuko na lang ako.

Reposted from GMANews.TV (11/06/2010)